Apocalipsis 21:8- " Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklam suklam, at sa mga mamamatay tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagat dagatang apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.
"Sa mga duwag"- gaya ito ng mga nagrerelihiyon na di makapanindigan, gaya ng iba diyan tutuligsa pero wala namang nalalaman sa salita ng hula. Mga hindi nakikilaban sa ikalalaganap ng katotohanan. sang ayon na lang ng sang ayon sa "napakaamong mga pari" na kahit na anong kalokohan ang gawin mo basta mangumpisal ka ok na, sama na dito ang mga kasang ayon ng pari.
"Sa mga hindi mananampalataya"- mga taong ayaw maniwala sa katotohanan aral sa Biblia, kundi naniniwala sa mga kathang isip ng tao, mga pamahiin, mga superstitious belief na magaling ang mga katoliko. Pag sinabi ang salita sa biblia hindi naniniwala, ayaw maniwala matitigas ang ulo.
"Mga mamamatay tao"- diyan marami sa katoliko rin yan, masdan ninyo ang paligid, magnanakaw, mamamatay tao, rapist, awayan, etc yan ba ang tahimik? Manood ka ng balita araw
araw tingnan mo ang porsiento ng mga gumagawa ng katiwalian di ba't sagana dito ang mga katoliko?
"Mapakiapid"- ang mga tao ngayon may asawa na nambababae pa, may divorce , annulment, manood ka ng sine o tv sagana sa pakikiapid ang
palabas di ba't halos katoliko lahat
ang may gawa niyan, kahit mga X- rated films, mga bomba films?
"manggagaway"- marami niyan sa katoliko rin, mga albularyo, mangkukulam, manghuhula kuno.
"Sa mga mapagsamba sa Diosdiosan"- Sino ang numero uno dito di ba't ang katoliko? Kung ano anong pigura,
anyo ng kung sino sinong "santo" kuno niluluhuran, sa inyong simbahan, sa bahay naku po! alisin niyo mga yan karumaldumal sa Dios yan! Noogn panahon ng Israel ang daming pinatay ang Dios dahil sa mga diosdiosan. Sinabi na ngang huwag gagawa ng anumang inanyuang bagay dito sa lupa o sa langit at huwag luluhuran, dahila ang Dios ay mapanibughuing Dios, ang mga diosdiosan may tenga , mata etc na di nagagamit may paa di makalakad etc. Pero tigas pa rin ng ulo ng mga katoliko .
"sa lahat na mga sinungaling"- Etong mga aral ng katolikong wala sa Biblia.
1.Rosaryo (walang pinag-uutos ang Biblia ukol dito)
2.Pagsamba sa Rebulto (bawal ng Biblia sumamba sa Rebulto)
3.Purgatoryo (ni purga at toryo yata eh di' mo mababasa sa Biblia)
4.Pag-samba kay Maria (walang pinag-uutos ang Biblia na sumamba kay Maria)
5.Maraming Dios na sinasamba (mga relikya ng mga namatay na mga santo kuno, pero walang ipinag-uutos ang Biblia rito)
6.Pangungumpisal sa Pari (taliwas ito sa naka-lagay sa Biblia)
7.Pag-bibinyag sa mga sangol (sa Biblia ang binabautismuhan ay iyong sumasampalataya, ganon din na ang ginagawang pag-bibinyag at iyong bautismo na itinuro ng Biblia ay mag- kaiba. Sa Katoliko ay buhos lang ang ginagawa sa mga sangol na binibinyagan, sa pamamaraan na nakalagay sa Biblia ay inilulubog)
8. Pagtawag sa pari ng "Father"- Bawal sa Dios ang tawagin ang sinumang tao na "ama" pagdating sa pananampalataya.
Mga kaibigang Katoliko kaawa awa kayo diyan umalis kayo't magsuring mabuti, in fairness sa mga ibang relihiyon, subukin ninyong hanapin ang sa Diyos. Ang tunay na sa Dios may ipinakikipaglaban talaga hanggang sa wakas, basa ka ng apocalipsis matindi ang labanan doon. Gaya ng "hayop" na nakipaglaban sa mga banal
Apoc 13;7- At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila; at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawat angkan at bayan at wika at bansa, 8- At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kanya, na ang kayang pangalan ay HINDI nasusulat sa aklat ng buhay ng cordero na pinatay buhat ng itatag ang sanlibutan. (tuloy ninyong basahin hanggang 16) 16- At ang lahat , maliliit at malalaki , at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang TANDA SA KANILANG KANANG KAMAY O SA NOO. (patuloy ninyo hanggang 18)..
2 Tesalonica 2:9- "Siya na ang kanyang pagparito ay ayon sa paggawa ni satanas na may buong
KAPANGYARIHAN at mga TANDA at MGA KAHANGA HANGANG KASINUNGALINGAN"
Kaya't ang mga nag imbento ng mga doctrina imbento numero unong sinungaling yang mga Pari at napakasaklap ng kahihinatnan ng
kanilang pinaggagawa at sama na diyan sa mga nakikiramay sa kanila
Apocalipsis 22- 18; Aking sinasaksihan sa bawat TAONG nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito , ay DARAGDAGAN siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito 19: At kung ang sinoman ay MAG ALIS sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay AALISIN ng Dios ang kaniyang BAHAGI sa PUNONG KAHOT NG BUHAY, at sa BAYANG BANAL, na nangakasulat sa aklat na ito.
Tandaan ninyo ito , ang buhay natin sa mundong ito panandalian lamang, susugal ka ba sa salit saling sabi ng mga pari o mga tao? Habang buhay ang hinahanap nating lahat. "sa mga bagay na nakikita ay may katapusan,
nguni't ang mga bagay na di nakikita ay walang hanggan" Kaya ang PAKIKIPAGLABAN ng mga lingkod ng Dios ay hindi sa laman at dugo kundi sa katotohanan ng mga salita. Bago kayo tumuliga pag aralan niyo munang mabuti kung nasaan kayo. Salamat po

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento